Relasyon ng mga bansang BRICS, isusulong

2022-09-07 15:37:24  CMG
Share with:

Setyembre 6, 2022, Beijing – Sa pamamagitan ng video link, nangulo at nagtalumpati si Li Zhanshu, Pangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa Ika-8 BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) Parliamentary Forum.

 


Ipinahayag ni Li ang kahandaan ng NPC na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa mga lehislatibong organo ng mga bansang BRICS para magkakasamang maisakatuparan ang mga komong palagay, pasulungin ang malalim na pag-unlad ng partnership, pangalagaan ang kapayapaan at katatagang pandaigdig, at tulungan ang pagbangon ng kabuhayan at sustenableng pag-unlad ng mundo.

 

Malalim ding nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok hinggil sa “pagganap ng papel ng mga lehislatibong organo, at pagpapasulong ng pagtatatag ng de-kalidad na partnership ng BRICS.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio