Ipinahayag Miyerkules, Agosto 3, 2022 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na aktibong kinakatigan ng kanyang bansa ang pagtanggap ng mga bagong miyembro sa BRICS, mekanismong pangkooperasyon na kasalukuyang may limang kasaping bansang kinabibilangan ng Brazil, Russia, India, China at South Africa, para buuin ang BRICS Plus.
Aniya, nitong ilang taong nakalipas, inihayag ng mga bansang gaya ng Algeria ang hangarin sa pagsapi sa BRICS.
Sa katatapos na ika-14 pulong ng mga lider ng BRICS nitong nagdaang Hulyo, sinang-ayunan aniya ng mga lider ng Brazil, Russia, India, China at South Africa na talakayin at itakda ang istandard at proseso ng pagtanggap ng mga bagong miyembro.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio