74, nasawi sa lindol sa Sichuan

2022-09-07 15:05:42  CMG
Share with:

 

Hanggang alas-9 ng gabi, Setyembre 6, 2022, 74 na ang nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na yumanig nitong Lunes, Setyembre 5, sa bayang Luding ng lalawigang Sichuan ng Tsina.

 

Samantala, 26 ang nawawala at 259 ang sugatan.

 

Bilang tugon, agarang ipinadala ng pamahalaang sentral ng Tsina at mga departamento sa iba’t ibang antas ang 6,990 rescue personnel at iba’t ibang uri ng kagamitan para sa gawaing panaklolo sa mga apektadong lugar.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 41 pansamantalang tuluyan ang itinayo sa nilindol na lugar para sa mga apektadong mamamayan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio