Liz Truss, Punong Ministro ng Britanya

2022-09-07 15:48:25  CMG
Share with:

Pormal na nanungkulan Martes, Setyembre 6, 2022 si Liz Truss, lider ng naghaharing partidong Conservative Party ng Britanya, bilang bagong punong ministro ng bansa.

 

Ayon sa proseso, isinumite nang araw ring iyon ni Punong Ministro Boris Johnson ang kanyang pagbibitiw kay Reyna Elizabeth II para sa ratipikasyon.

 

Pagkatapos nito, tinanggap ni Truss ang awtorisasyon ng Reyna sa pagbuo ng bagong gabinete, at pormal na nanungkulan bilang punong ministro.

 


Sa kanyang talumpati sa kanyang bagong bahay at tanggapan sa Downing Street, sinabi ni Truss na bibigyang-priyoridad niya ang pagresolba sa mahahalagang suliraning gaya ng paglago ng kabuhayan, krisis sa enerhiya, at pagpapabuti ng kondisyong medikal.

 

Aniya, sa pamamagitan ng pagbabawas ng buwis at reporma, pasusulungin ang paglago ng kabuhayan, at igagarantiya ang pagtatamasa ng mga mamamayan ng serbisyo ng sistemang pangkalusugan.

 

Ani Truss, sa loob ng linggong ito, aaksyon siya para harapin ang isyu ng enerhiya, at igagarantiya ang suplay ng enerhiya ng bansa para sa hinaharap.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio