Sa Zhengding County, Lalawigang Hebei ng Tsina, may dalawang ilog na dumadaloy sa kanayunan - Ilog Hutuo at Ilog Laoci, at halos 13,000 ektarya ang lupaing binabaha dito.
Noong unang dako ng 1980s, walang mga puno, halaman at magandang tanawin sa mga pampang ng dalawang ilog, at nakikita lamang ang malubhang pinsalang dulot ng sandstorm.
Tanawin sa Ilog Hutuo
Noong Abril 1982, isang buwan makaraang magtrabaho sa Zhengding County, naglakbay-suri si Xi Jinping sa lupaing madalas na binabaha sa pampang ng Ilog Hetuo, sakay ng bisikleta.
Napansin niyang halos 10,000 ektaryang lupa sa magkabilang pampang ng ilog ay maaaring galugarin at gamitin, at ito ay kapantay ng halos 30% ng kabuuang saklaw ng bukirin sa buong nayon.
Nauna rito, namuhay at nagtrabaho na ng 7 taon si Xi sa tuyot at walang pakinabang na lupain sa Lalawigang Shaanxi sa Hilagang Kanluran ng bansa. Sa tingin niya, kung may siyentipikong paggagalugad, magiging masagana ang ani sa naturang bahaing lupain.
Sa isang pulong noong Nobyembre ng taong 1983, tiniyak ng Zhengding County ang direksyon ng paggagalugad ng nakatiwangwang na lupain bilang base ng fast-growing and high-yield plantation, jujube at prutas.
Hinimok ni Xi ang mga mamamayan na samantalahin ang magandang panahon sa taglamig para sa pag-aayos ng binabahang lupain, at gawin ang plano, para itanim ang mga halaman sa tagsibol.
Sertipiko ng parangal sa isang taga-Zhengding na namumukod sa pagpawi sa kahirapan kung saan may selyo ni Xi Jinping
Inilunsad din ng pamahalaang lokal ang patakaran sa pagbibigay ng karapatan sa sariling pagpapasiya hinggil sa kung anu-anong mga halaman ang itatanim, at binigyan ng karapatan sa pamamalakad ng lupain ang mga magsasaka.
Ibinahagi rin ni Xi ang kanyang masaganang karanasan sa produksyong agrikultural sa mga magsasaka, para mapabuti ang kondisyon ng lupa.
Ipinadala rin niya ang mga tauhang pansiyensiya’t panteknolohiya sa kanayunan para magbigay-tulong sa mga magsasaka.
Sunud-sunod na itinanim sa flood land ang iba’t ibang uri ng halaman na gaya ng patatas, pakwan, bulak at mansanas, at masagana ang ani.
Nagtrabaho si Xi sa Zhengding County nang tatlong taon. Sa panahong iyon, kasisimula lang ng reporma at pagbubukas ng Tsina, at hindi malawakang ipinatupad ng mga kanayunan ang mga patakaran sa pagbubukas sa labas, pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagpapayaman ng mga mamamayan.
Anu-anong reporma ang pinamunuan at pinasulong ni Xi Jinping sa Zhengding County? Subaybayan ang serye ng mga kuwento ni Xi Jinping, para malaman ang kahanga-hangang karanasan ng lider na Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Mac