Tagapanguna’t tagapamuno sa reporma: Mga kuwento ni Xi Jinping_Pambungad

2022-08-30 16:57:56  CMG
Share with:

Ito ay may kinalaman sa kuwento ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Noong 1982, ang 29 na taong gulang na si Xi ay pumunta sa Zhengding County, lalawigang Hebei, na 300 kilometro ang layo mula sa Beijing, kabisera ng bansa. Nagsilbi siya bilang pangalawang kalihim ng CPC Zhengding County Committee.


Si Xi habang nagtatrabaho sa bukirin sa iba’t ibang panahon at lugar (Xinhua)

Sa kanyang tatlong taong pananatili sa Zhengding, namuno si Xi sa malawakang pragmatikong reporma. Bunga nito, ang magsasakang si Liu Chengyong ay naging puno ng manukang ari ng estado at dahil sa pagsisigasig at pagkadalubhasa, nakaalpas ang manukan sa pagkalugi at nagkaroon ng kita. Ang taunang kita ng lugar na panturista na itinayo sa mungkahi ni Xi ay mas mataas ng 400% kumpara sa halagang pinamuhunanan. Hinikayat din ni Xi ang mga magsasaka na itanim at iproseso kung ano kinakailangan sa pamilihan. Sa loob ng tatlong taon, hindi na nakaranas ng gutom ang mga taga-Zhengding at kapuwa nagdoble ang kabuuang halaga ng produksyong agrikultural at karaniwang kita ng bawat magsasaka.

Mula Zhengding, pumunta naman si Xi sa lalawigang Fujian, lalawigang Zhejiang, at Munisipalidad na Shanghai.

Sa kanyang labinpito’t kalahating taong panunungkulan sa Fujian mula 1985 hanggang 2002, upang tulungan ang mga mamamayang lokal na makaahon sa kahirapan, iniharap ni Xi ang mga mungkahi at ideya na gaya ng “maaaring lumipad nang mas maaga ang mahihinang ibon” at “yumaman ayon sa biyaya ng kinaroroonang budok at karagatang.” Bukod dito, noong unang dako ng kasalukuyang siglo kung saan hindi pa malawakan ang paggamit ng Internet, inihain ni Xi ang blueprint na Digital Fujian, at sa ilalim nito, maaaring mag-e-commerce ang mga taga-Fujian.

Sa kanyang limang taong pamamalagi sa Zhejiang mula 2002 hanggang 2007, nanguna si Xi sa pagbabago ng paraan ng pagpapalago ng kabuhayan, at iniharap ang ideyang “ang malinaw na katubigan at lutiang kabundukan ay mahahalagang kayamanan.”

Sa Shanghai, namuno si Xi sa paglutas sa problema sa kapaligirang ekolohikal at ang Shanghai ay nanguna sa walang humpay na reporma’t pagbubukas sa labas.

Salin: Jade

Pulido: Mac