Premyer Tsino, nagpaabot ng pagbati sa bagong punong ministro ng Britanya

2022-09-08 11:55:12  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pagbati ang ipinadala kamakailan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Liz Truss kaugnay ng panunungkulan bilang punong ministro ng Britanya.

 

Saad ni Li, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Britaniko ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng panig Britaniko, na pasulungin ang pangmatagalang pag-unlad ng bilateral na relasyon sa tumpak na landas, batay sa paggagalangan, pagkakapantay, at mutuwal na kapakinabangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio