Sinabi Setyembre 7, 2022, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinahayag ng Rusya at iba pang mga bansa ang pakikiramay kaugnay ng lindol na naganap sa lalawigang Sichuan ng Tsina.
Aniya, nakahanda silang magkaloob ng suporta at tulong, kaya taos-puso ang pasasalamat ng Tsina hinggil dito.
Binigyan-diin ni Mao na sa kasalukuyan, buong lakas na isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang mga gawaing panaklolo na kinabibilangan ng paghahanap sa mga nawawalang tao, paggamot sa mga sugatan, pagkalinga sa mga nilindol na mamamayan, pagkumpuni sa imprastruktura at iba pa.
May kompiyansa aniya ang Tsina na matatamo ang tagumpay sa paglaban sa kalamidad, at maitatatag muli ang magandang buhay ng mga mamamayan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio