Ipinatalastas kahapon, Setyembre 9, 2022, ng China National Space Administration at China Atomic Energy Authority ang pagkatuklas ng Tsina ng isang bagong mineral ng Buwan na tinatawag na Changesite-(Y).
Ang mineral na ito ay malinaw na parang kristal, at malapit sa hugis ng mahabang diamante.
Natuklasan ito ng mga siyentista sa Beijing Research Institute of Uranium Geology mula sa mga sample ng Buwan na kinuha at ibinalik sa Mundo noong Disyembre 2020 ng Chang'e-5 lunar probe ng Tsina. Ang pagkatuklas nito ay pinatunayan ng International Mineralogical Association.
Ito ang kauna-unahang bagong mineral ng Buwan na natuklasan at kinilala ng Tsina, at ito rin ang ikaanim na ganitong mineral na kinilala hanggang sa kasalukuyan.
Dahil dito, ang Tsina ay naging ikatlong bansa sa daigdig na may tuklas ng bagong mineral ng Buwan. Ito ay palatandaan sa malaking tagumpay ng Tsina sa larangan ng siyensiyang pangkalawakan.
Editor: Liu Kai