Carrier rocket para sa paglulunsad ng Mengtian lab module, inihatid sa launch site

2022-09-03 17:32:45  CMG
Share with:

 

Sinabi ngayong araw, Setyembre 3, 2022, ng China Manned Space Agency, na inihatid sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa lalawigang Hainan sa katimugan ng Tsina ang Long March-5B Y4 carrier rocket, na gagamitin para ilunsad ang Mengtian lab module ng space station ng bansa.

 

Isasagawa ang pag-asembly at pagsusuri ng naturang carrier rocket bago ang paglulunsad.

 

Ang Mengtian lab module naman ay huling bahagi ng itinatayong space station ng Tsina. Sumasailalim ito sa pagsusuri ngayon sa nabanggit na launch site.


Editor: Liu Kai