Ipinatalastas kahapon, Setyembre 11, 2022, ng China National Space Administration (CNSA), na inaprobahan ng bansa ang ikaapat na yugto ng lunar exploration program at maalwan itong sumusulong.
Ayon sa CNSA, ang mga misyon sa ikaapat na yugto ay kinabibilangan ng paglulunsad ng mga lunar probe na Chang'e-6, Chang'e-7, at Chang'e-8 sa loob ng darating na sampung taon, at ang mga pangunahing target ay pagsisiyasat sa rehiyon ng South Pole ng Buwan, at pagtatayo ng saligang estruktura para sa International Lunar Research Station.
Dagdag ng naturang administrasyon, halos matatapos ang paggawa ng Chang'e-6 probe, na magsasagawa ng misyon para kunin ang mga sample mula sa far side ng Buwan, at ibalik ang mga ito sa Mundo.
Editor: Liu Kai