Inilabas ngayong araw, Setyembre 13, 2022 ng National Computer Virus Emergency Response Center (CVERC) ng Tsina ang ulat para ibunyag ang mga detalye ng cyber attacks laban sa isang unibersidad ng Tsina na inilunsad ng National Security Agency (NSA) ng Amerika.
Ayon sa ulat, sa proseso ng imbestigasyon sa insidente ng cyber attacks laban sa Northwestern Polytechnical University ng Tsina, natuklasan ng CVERC ang 41 uri ng cyber weapons na ginamit ng Tailored Access Operations (TAO) Office ng NSA.
Kabilang dito, ang sniffing and stealing cyber weapon na “Suctionchar” ay isa sa mga pinakadirektang may kagagawan sa pagnanakaw ng mga sensitibong datos.
Sa nabanggit na cyber attacks laban sa Northwestern Polytechnical University, ginamit ng TAO ang “Suctionchar” bilang sniffing and stealing cyber weapon, para malawakan at tuluy-tuloy na magnakaw ng mga sensitibong datos.
Kasabay ng unti-unting pagsulong ng imbestigasyon, natuklasan ng grupong teknikal ang bakas ng “Suctionchar” sa ibang cyber attacks laban sa ibang mga organo.
Nangangahulugan itong posibleng inilunsad ng TAO ang malawakang cyber attacks laban sa Tsina, gamit ang “Suctionchar.”
Salin: Vera
Pulido: Mac