MFA: Amerika, humahadlang sa Internet at digital development ng Tsina sa pamamagitan ng iresponsable at walang-konsiyensiyang paraan

2022-05-07 14:01:23  CMG
Share with:

Sa isang aktibidad ng think tank nitong Mayo 3, 2022, sinabi ni Robert Silvers, Pangalawang Kalihim ng Department of Homeland Security ng Amerika, na ang Tsina ay pinakamahalagang pangmalayuan at estratehikong kalaban ng Amerika, at inilalagay sa panganib ang Amerika dahil sa mga hacking activities nito.

 

Inihayag naman ng dating Chief of Staff ng Hukbong Panghimpapawid ng Amerika na kung magtutulungan ang Tsina at Rusya sa larangan ng cyber warfare, di-kayang harapin ito ng Amerika.

 

Kaugnay nito, tinukoy nitong Biyernes, Mayo 6 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang pananalita ng mga Amerikanong opisyal na di-angkop sa katotohanan, batay sa layuning pulitikal.

 

Saad ni Zhao, upang hadlangan ang pag-unlad ng Tsina, hindi sinunod ng Amerika ang mga alituntunin, nilikha ang mapangwatak na situwasyon, inudyukan ang komprontasyon, at pinilit ang ibang bansa, bagay na grabeng nakasira sa pagkakaisa ng komunidad ng daigdig, at malubhang humadlang din sa sigasig ng komunidad ng daigdig sa pagpapasulong sa pandaigdigang pangangasiwa sa cyberspace.

 

Ang cyberspace ay komong tahanan ng lahat ng mga tao. Dapat pumanig ang Amerika sa tumpak na direksyon ng kasaysayan, isaalang-alang ang mas marami hinggil sa komong kapakanan ng komunidad ng daigdig, at agarang itigil ang mga iresponsableng pananalita at kilos, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac