Biyahe ni Xi Jinping sa Kazakhstan at Uzbekistan, mabunga

2022-09-17 18:26:48  CMG
Share with:

Matapos ang pagdalo sa ika-22 pulong ng Konseho ng mga Puno ng mga Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Samarkand, Uzbekistan, at pagsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Kazakhstan at Uzbekistan, umuwi kahapon ng hatinggabi, Setyembre 16, 2022, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kahit mahigpit ang iskedyul, nagkaroon ang biyaheng ito ng maraming tampok at masaganang bunga. Ito aniya ay nakakatulong sa pag-unlad ng SCO sa bagong yugto at pagtaas ng relasyon ng Tsina sa mga may kinalamang bansa sa bagong antas.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos