Xi Jinping: Itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO

2022-09-17 18:22:11  CMG
Share with:

 

Sa pagdalo kahapon, Setyembre 16, 2022, local time, sa Samarkand, Uzbekistan, sa ika-22 pulong ng Konseho ng mga Puno ng mga Bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga kasaping bansa ng SCO na palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO.

 

Tinukoy ni Xi, na ang taong ito ay ika-20 anibersaryo ng paglalagda sa Karta ng SCO at ika-15 anibersaryo ng paglalagda sa kasunduan ng mga kasaping bansa sa pangmatagalang kooperasyong pangkapitbansa at pangkaibigan. Aniya, batay sa dalawang mahalagang dokumentong ito, tumatahak ang SCO sa bagong landas ng pag-unlad ng organisasyong pandaigdig, at nagpapakita ng diwa ng pagtitiwalaang pulitikal, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pantay-pantay na pakikitungo sa isa’t isa, pagiging bukas at inklusibo, at pangangalaga sa katarungan.



Para sa ibayo pang pag-unlad ng SCO, iniharap ni Xi sa mga kasaping bansa ng organisasyong ito ang mga mungkahi na kinabibilangan ng pagpapalakas ng pagsuporta sa isa’t isa, pagpapalawak ng kooperasyon sa seguridad, pagpapalalim ng mga pragmatikong kooperasyon, pagdaragdag ng pagpapalitan ng mga tao, at paggigiit sa multilateralismo.

 

Ipinahayag din ni Xi, na patuloy at aktibong pasusulungin ng Tsina ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at idudulot ang mga bagong pagkakataon sa daigdig sa pamamagitan ng sariling pag-unlad, para magbigay ng talino at lakas sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig at sibilisasyon at progreso ng sangkatauhan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos