Sa pulong ng Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations (UN) nitong Setyembre 19, 2022, nanawagan ang kinatawang Tsino sa iba’t ibang panig na dapat isakatuparan ang Global Security Initiative, at isagawa ang tunay na multilateralismo.
Ipinahayag ng kinatawang Tsino na ang multilateralismo ay nukleong ideya ng kasalukuyang pandaigdigang sistema at pandaigdigang kaayusan, ito rin ang mabisang paraan ng pangangalaga sa kapayapaan at pagpapasulong ng kaunlaran.
Dahil sa sariling layuning pulitikal, ipinagkakalat ng Amerika at ilang bansang kanluranin ang pekeng impormasyong nakatuon sa ibang bansa. Nakikialam sila sa suliraning panloob ng ibang bansa sa katwiran ng karapatang pantao, at isinagawa ang unilateral na sangsyon. Ang naturang aksyon nila ay malubhang lumabag sa Karte ng United Nations (UN), malubhang sumira sa multilateralismo at regulasyong pandaigdig. Dapat magkakasamang tutulan ng komunidad ng daigdig ang naturang maling aksyon.
Ipinahayag din ng kinatawang Tsino na dapat isagawa ng iba’t ibang bansa ang diyalogo, sa halip ng pagkontra sa isa’t isa, pahalagahan ang makatuwirang pag-aalala ng bawat isa, para pasulungin ang balanse, mabisa at sustenableng organong panseguridad.
Salin:Sarah
Pulido:Mac