Pagpapalakas ng kooperasyon sa global human rights governance, ipinanawagan sa Beijing Forum on Human Rights

2022-07-27 14:44:56  CMG
Share with:

Ginanap sa Beijing nitong Martes, Hulyo 26, 2022 ang Porum ng Beijing sa Karapatang Pantao na magkasamang itinaguyod ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS) at China Foundation for Human Rights Development (CFHRD).

 

Kalahok dito ang halos 200 personahe mula sa halos 70 bansa, na kinabibilangan ng mga mataas na opisyal ng United Nations (UN) at ibang organisasyong pandaigdig, dalubhasa’t iskolar, at mga diplomatang dayuhan sa Tsina.

 


Sa ilalim ng temang “Magkakapit-bisig na Pagpupunyagi Tungo sa Mas Patas, Makatarungan, Makatwiran, at Inklusibong Global Human Rights Governance,” malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok dito.

 

Sa sidelines ng nasabing porum, may limang sub-forum na nagpopokus sa mga temang gaya ng “Sustenableng Pag-unlad at Pangangalaga sa Karapatang Pantao,” “Demokrasya at Pangangalaga sa Karapatang Pantao,” “Seguridad ng Kalusugang Pampubliko at Pangangalaga sa Karapatang Pantao,” “Multilateralismo at Global Human Rights Governance,” at “Bukas at Inklusibong Pag-unlad at Pangangalaga sa Karapatang Pantao.”

 

Salin: Vea

 

Pulido: Mac