Liham na pambati, ipinadala ni Pangulong Xi sa Ika-7 China-Eurasia Expo

2022-09-20 16:14:15  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala nitong Lunes, Setyembre 19, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-7 China-Eurasia Expo.

 

Tinukoy ni Xi na puno ng kasiglahan at nakatagong lakas ang pag-unlad ng kontinenteng Eurasiyano, at nagsilbi itong mahalagang rehiyon ng pandaigdigang kooperasyon ng Belt and Road.

 

Aniya, nitong nakalipas na ilang taon, lubos na pinatingkad ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina ang sariling bentahe sa lokasyon, aktibong pinasulong ang konstruksyon ng sentral ng sona ng Silk Road Economic Belt, pinasulong ang interkonektibidad, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at komong kaunlaran ng Tsina at mga bansa sa Eurasya, at natamo ang positibong bunga.

 

Diin ni Xi, nakahanda ang Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa, na gawing plataporma ang China-Eurasia Expo, palaganapin ang diwa ng Silk Road na may kapayapaan, kooperasyon, pagbubukas, pagbibigayan, mutuwal na pagkatuto, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, igiit ang mataas na pamantayan at sustenableng pag-unlad na makapaghahatid ng benepisyo sa mga mamamayan, walang humpay na palawakin ang mga larangan ng kooperasyong Eurasyano, pataasin ang lebel ng kooperasyong Eurasyano, at pasulungin ang komong kaunlaran at kasaganaan.

 

Binuksan nang araw ring iyon sa Urumqi, Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina ang Ika-7 China-Eurasia Expo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac