Ika-2 China International Consumer Products Expo, ipininid

2022-07-30 18:11:54  CMG
Share with:

 

Ipininid ngayong araw, Hulyo 30, 2022, sa Haikou, punong lunsod ng lalawigang Hainan sa katimugan ng Tsina, ang Ika-2 China International Consumer Products Expo (CICPE).

 

Itinanghal sa kasalukuyang ekspo ang mga produkto ng 2,800 tatak ng 1,955 kompanya mula sa 61 bansa at rehiyon ng daigdig.

 

Ayon sa inisyal na estadistika, sa panahon ng ekspo, nilagdaan ang mga intensyonal na kasunduan sa transaksyon na nagkakahalaga ng mahigit sa 10 bilyong yuan RMB.

 

Samantala, pagkaraang buksan sa publiko ang ekspo, bumisita rito ang mahigit 280 libong tao, at bumili sila ng 300 milyong yuan na halaga ng mga paninda.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos