Tsina: China-ASEAN Expo susi sa pagbangon ng kabuhayan pagkatapos ng pandemya ng COVID-19

2022-09-20 14:14:19  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Lunes, Setyembre 19, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang China-ASEAN Expo (CAExpo) ay mahalagang plataporma ng kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Ito aniya ay magkakaloob ng bagong enerhiya at pagkakataon para sa sustenableng pagbangon ng kabuhayan pagkatapos ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at konstruksyon ng bukas na kabuhayang panrehiyon.


Ayon kay Mao, nilagdaan ng mga kalahok ng CAExpo ang mga ksunduan ng 267 proyekto at ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ay umabot sa 413 bilyong RMB na lumaki ng 37% kumpara sa nagdaang CAExpo ng 2021.


Salin: Ernest

Pulido: Mac