Byahe ni Xi Jinping sa Gitnang Asya, may malalim na katuturan

2022-09-20 17:30:34  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Setyembre 19, 2022, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang paglalakbay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Gitnang Asya ay isang mahalagang katuturan at makasaysayan.



Sinabi ni Mao na, nanatili nang 48 oras si Pangulong Xi sa Kazakhstan at Uzbekistan, at dumalo siya sa mahigit 30 bilateral at multilateral na aktibidad. Malakas na pinasulong nito ang pag-unlad ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), at pinamunuan ang relasyon ng Tsina at mga kinauukulang bansa sa bagong yugto ng pag-unlad. 

 

Sa panahon ng Samarkand Summit ng SCO, inihayag ng Tsina na handa itong itatag ang base ng Tsina at SCO para sa pagsasanay ng tauhang kontra-terorismo, idaos ang porum ng industrial at supply chains, itatag ang China-SCO Big Data Cooperation Center, ipagkakaloob ang pangkagipitang tulong sa pagkain na nagkakahalaga ng 1.5 bilyong yuan RMB sa mga umuunlad na bansang nangangailangan. Positibong ang naging tugon ng iba’t ibang panig hinggil rito. 


Salin:Sarah

Pulido:Mac