Pribadong kompanyang panseguridad ng Amerika, Australia at ibang bansa, dapat aktuwal na masuperbisa

2022-09-21 17:04:58  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Setyembre 20, 2022, sa pulong ng Konseho ng United Nations (UN) sa Karapatang Pantao, ipinanawagan ni Li Song, Pirmihang Pangalawang Kinatawang Tsino sa Tanggapan ng Tsina sa Geneva ang aktuwal na pagsusuperbisa sa mga pribadong kompanyang panseguridad ng Amerika, Australia, at ibang bansa, upang maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao.

 


Ani Li, nababahala ang Tsina sa kawalan ng transparency at pagsusuperbisa sa serbisyong ipinagkakaloob ng naturang mga pribadong kompanyang panseguridad.

 

Diin niya, palagiang ipinalalagay ng Tsina na ang aktibidad ng mga pribadong kompanyang militar at panseguridad ay dapat sumunod sa mga kinauukulang batas, at dapat tanggapin ng mga ito ang pagsusuperbisa ng kinauukulang sistemang pandaigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio