Kaugnay ng pag-apruba ng Foreign Relations Committee ng Senado ng Amerika sa Taiwan Policy Act of 2022, ipinahayag nitong Huwebes, Setyembre 15, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatg na tinututulan ng Tsina ang kapasiyahan ng Amerika at iniharap ang solemnang representasyon hinggil dito.
Sinabi ni Mao na isasagawa ang mga kinakailangang katugong hakbangin batay sa aktuwal na proseso at pinal na resulta ng panukalang ito para matatag na ipagtanggol ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa.
Tinukoy ni Mao na ang Taiwan Policy Act of 2022 ay malubhang lumalabag sa mga pangako ng Amerika sa Tsina hinggil sa usapin ng Taiwan at lumalabag rin sa prinsipyong isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa.
Hinimok din ni Mao ang panig Amerikano na itigil ang proseso ng pagsusuri at pagsasabatas sa panukalang ito.
Salin: Ernest
Pulido: Mac