Sa kanyang pakikipagtagpo Setyembre 19 (local time), 2022, sa New York, Amerika sa mga kinatawan ng National Committee on United States-China Relations, U.S.-China Business Council at United States Chamber of Commerce, inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang “five certainties” o “limang kasiguruhan” kaugnay ng Tsina.
Aniya, kabilang sa limang ito ay: ang siguradong prospek ng pag-unlad ng Tsina, siguradong determinasyon ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas, siguradong patakaran ng Tsina sa Amerika, siguradong atityud ng Tsina sa patuloy na pagsasagawa ng pakikipagkooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa Amerika, at siguradong mithiin ng Tsina sa pagsasagawa ng multilateral na pakikipagkoordinasyon sa Amerika.
Ipinahayag din ni Wang na, dapat pangalagaan ang pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano, partikular na, ang totohanang pagpapatupad ng prinsipyong isang Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio