Tsina, nakahandang makipagtulungan sa mga umuunlad na bansa

2022-08-16 15:07:35  CMG
Share with:

Sinabi nitong Lunes, Agosto 15, 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin, kasama ng mga umuunlad na bansa, ang pagkakaisa at pagtutulungan.


Nang araw ring iyon, nakipagtagpo via video link si Wang sa mga kinatawan ng umuunlad na bansa ng Asya at Aprika sa tanggapan ng UN sa Geneva.


Idiniin ni Wang na dapat palawakin ang representasyon at boses ng mga umuunlad na bansa. Dagdag pa niya, ang boto ng Tsina sa United Nations (UN) ay palaging para sa mga umuunlad na bansa at patuloy na magsasalita ang Tsina para sa mga umuunlad na bansa.


Bukod dito, inilahad ni Wang ang mga natamong bunga ng Tsina sa pag-unlad ng karapatang pantao. Sinabi niyang nakahanda ang Tsina na isagawa ang pagpapalitan at pagtutulungan sa ibang mga bansa sa isyu ng karapatang pantao sa pundasyon ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa isa’t isa.


Inilahad din ni Wang ang kasaysayan at mga katotohanan ng isyu ng Taiwan at paninindigang Tsino sa isyung ito. Idiniin ni Wang na dapat isagawa ng Tsina ang kinakailangan at lehitimong katugong hakbangin sa lahat ng mga probokasyon ng Amerika sa isyung ito.


Ipinahayag ng mga kinatawan ng umuunlad na bansa na ang patakarang isang Tsina na itinakda ng Resolusyon bilang 2758 ng UN ay komong palagay na kinikilala ng komunidad ng daigdig at hindi dapat makialam ang ibang bansa sa mga suliraning panloob ng Tsina.


Sinabi rin nila na hindi dapat maging pulitikal ang isyu ng karapatang pantao at dapat suportahan ng komunidad ng daigdig ang mga gawain ng Tsina sa pangangalaga sa sariling lehitimong karapatan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac