Rehistrasyon ng media para sa ika-5 CIIE, sinimulan

2022-09-21 14:36:08  CMG
Share with:

 

Sinimulan ngayong araw, Setyembre 21, 2022 ang rehistrasyon ng media para sa ika-5 China International Import Expo (CIIE) na idaraos sa lunsod Shanghai, gawing silangan ng Tsina mula Nobyembre 5 hanggang 10 2022.

 

Para rito, maaring magrehistro ang mga tauhang pangmedia sa website ng CIIE na www.ciie.org at app nito sa mobile phone.

 

Dahil sa mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang mga pangunahing inimbitahan sa nasabing ekspo ay mga mamamahayag ng Chinese mainland, Hong Kong, Macao at Taiwan, at mga dayuhang mamamahayag na nakakatalaga sa Chinese mainland.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio