Bagong konsepto ng seguridad sa Gitnang Silangan, ipinanawagan ng ministrong panlabas ng Tsina

2022-09-22 15:37:03  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, dumalo Miyerkules, Setyembre 21, 2022 si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Middle East Security Forum.

 


Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na noong nagdaang Abril, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Global Security Initiative na naglalatag ng malinaw na sagot hinggil sa pagsasakatuparan ng seguridad ng iba’t ibang bansa.

 

Aniya, mahalaga ang katuturan nito sa pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan.

 


Nakahanda aniya ang panig Tsino na gawing pagkakataon ang pagpapatupad ng nasabing inisyatiba, at pasulungin, kasama ng mga bansa sa Gitnang Silangan at komunidad ng daigdig, ang pagbuo ng bagong konsepto ng seguridad sa rehiyon.

 

Iminungkahi rin niyang igiit ang komon, komprehensibo, kooperatibo’t sustenableng bagong ideolohiyang panseguridad, linawin ang namumunong katayuan ng mga bansa sa Gitnang Silangan sa mga suliraning panseguridad ng rehiyon, sundin ang mga simulain ng Karta ng United Nations (UN), at palakasin ang rehiyonal na diyalogo sa seguridad.

 

Ang Ika-2 Middle East Security Forum ay ginanap sa Beijing, sa pamamagitan ng kapuwa online at offline platform.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio