Sinabi nitong Setyembre 22, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kailangang himukin ng World Bank (WB) ang Amerika na isagawa ang mga responsableng patakarang pangkabuhayan at pinansyal, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa katatagan ng pandaigdigang pinansyo at pagbangon ng kabuhayan ng buong daigdig.
Dagdag niya, para malutas ang sariling mataas na inflation, ilang beses na itinaas ng Amerika ang interest rate ng bansa, na nagresulta sa pagtaas ng halaga ng US dollar at nagdulot ng kahirapan sa kabuhayan ng buong mundo.
Winika ito ni Zhao, bilang tugon sa sinabi kamakailan ni David Malpass, taga-Amerika at Pangulo ng WB na, kakaunti ang mga hakbangin ng Tsina para sa pagpapasigla ng ekonomiya, at nagdulot ito ng malaking presyur sa Amerika para suportahan ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Mac