Briefing hinggil sa tagumpay ng Xinjiang sa paggalang at pangangalaga sa karapatang pantao, ginanap sa Geneva

2022-09-23 16:41:27  CMG
Share with:

Sa panahon ng Ika-51 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ginanap nitong Huwebes, Setyembre 22, 2022 sa punong himpilan ng UN sa Geneva, Switzerland ang briefing hinggil sa natamong tagumpay ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina sa paggalang at pangangalaga sa karapatang pantao.

 

Kalahok dito ang mga 100 personaheng kinabibilangan ng mga pirmihang kinatawan at mataas na diplomata, mamamahayag at kinatawan ng mga organisasyong di-pampamahalaan mula sa mahigit 50 bansa.

 

Isinalaysay ni Shawkat Imin, Direktor ng Pirmihang Lupon ng Kongresong Bayan ng Xinjiang, na ipinagtatanggol ng Xinjiang ang harmonya at katatagan ng lipunan alinsunod sa batas, lubos na iginagarantiya ang kalayaan sa relihiyon, at pinahahalagahan ang pangangalaga sa tradisyonal na kultura ng iba’t ibang lahi. Samantala, pinapabilis ng Xinjiang ang hakbang ng pagbubukas sa labas, at nagsilbi itong mahalagang tsanel ng pagpapalitan ng mga bansang kasali sa Belt and Road.

 


Inihayag naman ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva, na sa mula’t mula pa’y priyoridad ng Xinjiang ang mga mamamayan, at ginagawang target ng pagpupunyagi ang hangarin sa magandang pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Aniya, tiyak na mabibigo ang masamang kilos ng iilang bansang kanluranin na may maruming tangka.

 

Binigyan ng mga kalahok na diplomata ng mga umuunlad na bansa ang tagumpay ng Xinjiang sa paglaban sa terorismo, deradikalisasyon, pag-unlad, pagpawi sa karalitaan, pagpapasulong at pangangalaga sa kapaligiran at iba pang aspekto.

 

Inihayag din nila ang pagsuporta sa makatarungang paninindigan ng Tsina sa usaping may kinalaman sa Xinjiang, at pagtutol sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katuwiran ng usapin ng Xinjiang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac