Tsina: Mali ang ulat ng Amerika hinggil sa Xinjiang

2022-08-30 16:44:00  CMG
Share with:

Kaugnay ng ulat ng Kagawaran ng Estado ng Amerika hinggil sa pagkontrol ng Tsina sa opinyong publiko na may kinalaman sa Xinjiang, ipinahayag nitong Lunes, Agosto 29, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mali ang nilalaman ng ulat ng Amerika at sa kasalukuyan, matatag at ligtas ang lipunan ng Xinjiang at mabuti ang pamumuhay at trabaho ng mga mamamayang lokal.


Sinabi ni Zhao na ang Tsina ay biktima ng mga pekeng impormasyon at ang mga di-umano’y insidente na gaya ng pamamaslang ng mga lahi sa Xinjiang, at sapilitang paggawa ay mga kasinungalingan ng Amerika.


Idiniin ni Zhao na ang pagsasagawa ng Amerika ng mga kasinungalingan hinggil sa Xinjiang ay hindi kayang makapinsala sa katatagan at harmonya ng Xinjiang at manlinlang sa komunidad ng daigdig, pero makasisira lamang sa sariling kredibilidad.


Salin: Ernest

Pulido: Mac