Dapat agarang itigil ng Amerika ang di-makatwirang paninirang-puri at panggigipit sa mga kumpanyang Tsino - Tsina

2022-09-23 16:44:10  CMG
Share with:

Pinagtibay kamakailan sa Mababang Kapulungan ng Amerika ang Countering Untrusted Telecommunications Abroad Act, na humihiling sa Kagawaran ng Estado ng Amerika na iulat ang kalagayan tungkol sa paggamit ng mga diplomatikong misyong Amerikano sa ibayong dagat at mga bansang kaalyado ng mga umano’y di-pinagkakatiwalaang kagamitan ng telekomunikasyon. Hiniling din ng naturang batas ang mga securities issuers na iulat ang kalagayan ng paggamit ng katulad na mga kagamitan mula sa mga kompanyang may-ari o kontrolado ng mga pamahalaan ng Tsina at Rusya.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Setyembre 22, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na ipinapakita ng naturang pangyayari na ang umano’y “kaayusan batay sa regulasyon” na sinasabi ng ilang pulitiko ng Amerika ay ganap na para sa sariling kapakanan ng Amerika. Malinaw na ito ay sumisira sa kapayapaang pandaigdig at kooperasyong pandaigdig.

 


Hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang maling pananalita at aksyon, itigil ang paninirang-puri at panggigipit sa mga kompanyang Tsino, alinsin ang mga negatibong nilalaman ng batas na may kinalaman sa Tsina, diin ni Zhao.

 

Sinabi pa niyang patuloy na matatag na pangangalagaan ng pamahalaang Tsino ang lehitimong karapatan ng mga kompanayang Tsino.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac