Tsina sa Amerika: ipaliwanag ang biological military activities

2022-09-14 15:49:05  CMG
Share with:

Sinabi nitong Martes, Setyembre 13, 2022 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kahilingan ng Rusya, ginanap sa Geneva ang konsultatibong pulong ng Biological Weapons Convention (BWC) mula noong ika-5 hanggang ika-9 ng Setyembre.

 

Ang tema aniya ng naturang pulong ay Pagsusuri sa Pagpapatupad ng Amerika sa BWC.

 

Lubos aniyang pinahahalagahan at malawakang nilahukan ito ng mga signataryong bansa.

 

Kaugnay nito, tinukoy ni Mao na ang Amerika ay ang bansang may pinakamaraming biological military activities sa daigdig, at ito rin ang siyang tanging bansang tumatanggi sa negosasyon para sa verification protocol ng BWC.

 

Aniya, ikinababahala ng komunidad ng daigdig ang situwasyong ito sa loob ng mahabang panahon.

 

Samantala, sinabi ni Mao na kinakatigan ng panig Tsino ang patuloy na pagsusuri sa mga isyung may kinalaman sa pagpapatupad ng Amerika sa BWC, batay sa mga alituntunin at obdyektibo’t makatarungang pakikitungo.

 

Muling hinihimok ng Tsina ang Amerika na komprehensibong ipaliwanag ang biological military activities nito, itigil ang unilateral na paghadlang sa talastasan sa BWC verification protocol, at gawin ang responsableng paliwanag sa komunidad ng daigdig, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio