Inihayag kamakailan ng Ministri ng Industiya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina (MIIT), na mula noong Enero hanggang Hulyo 2022, umabot sa 121.9 bilyong yuan RMB ang kita mula sa mga produkto ng industrial software ng bansa.
Ang datos na ito ay mas malaki ng 8.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon, dagdag ng MIIT.
Saad pa ng ministri, napakahalaga ang pag-unlad ng industrial software sa pagpapasulong ng digitalization at intellectualization ng industriya, at nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na pinapalakas ng Tsina ang suporta sa patakaran ng naturang larangan.
Sinabi pa ng MIIT, na matatag na lumalaki ang saklaw ng pamilihan ng industrial software, mabisang pinapataas ang kakayahan ng suplay, at palagiang pinapabuti ang kapaligiran ng pag-unlad.
Ayon naman kay Wang Jianwei, opisyal ng MIIT, sa susunod na yugto, lalong pabubutihin ang koordinasyon sa mga kinauukulang departamento, para magkakasamang mapasulong ang dekalidad na pag-unlad ng industriyang ito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio