Pag-unawa sa mahalagang bungang natamo ng Tsina nitong nakaraang 10 taon, ipinanawagan ni Xi Jinping

2022-09-28 19:16:24  CMG
Share with:

Setyembre 27, 2022, Beijing – Sa kanyang pagbisita sa isang eksbisyon kaugnay ng mga bungang natamo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at bansa nitong 10 taong nakalipas, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC noong 2012, at sa pamumuno ng Komite Sentral ng CPC, nalutas ng mga mamamayang Tsino ang maraming mahihirap na problema, at natamo ang dakilang bunga kaugnay ng kinabukasan ng buong bansa.

 


Nanawagan din siya para sa mas mabuting pag-unawa sa mahalagang katuturan ng mga bungang natamo ng Tsina nitong nakaraang 10 taon, tungo sa mas komprehensibong konstruksyon ng sosyalismong modernong bansa.

 

Bukod dito, bumisita rin sa eksbisyon sina Premyer Li Keqiang, at iba pang opisyal ng bansa na tulad nina Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji, at Han Zheng.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio