Konstitusyon ng CPC, sususugan sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng partido

2022-09-10 17:00:44  CMG
Share with:

Sususugan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang Konstitusyon nito sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng partido na idaraos sa darating na Oktubre.

 

Pinanguluhan kahapon, Setyembre 9, 2022, sa Beijing, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng Tsina, ang pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng partido para sa usaping ito.

 

Ayon sa pulong, ang pagsususog sa Konstitusyon ng CPC sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng partido, batay sa bagong kalagayan at mga bagong tungkulin, ay magpapasulong sa sosyalismong may katangiang Tsino, at makakatulong din sa pag-unlad ng partido.

 

Sinuri sa pulong ang burador na amendment sa Konstitusyon ng CPC, at iba pang mga dokumentong gaya ng burador na ulat ng ika-19 na Komite Sentral ng CPC sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng partido, at burador na ulat tungkol sa mga gawain ng ika-19 na CPC Central Commission for Discipline Inspection sa naturang kongreso.

 

Tatalakayin pa ang mga dokumentong ito sa ikapitong sesyong plenaryo ng ika-19 na Komite Sentral ng CPC.


Editor: Liu Kai