Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, iminungkahing idaos sa Oktubre 16 sa Beijing

2022-08-31 09:39:18  CMG
Share with:

Nagpulong nitong Martes, Agosto 30, 2022 sa Beijing ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para talakayin ang gawaing paghahanda para sa Ika-7 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 ng Komite Sentral ng CPC at Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Pinagtibay ng pulong na ito ang pagdaraos sa Oktubre 9, 2022 sa Beijing ng Ika-7 Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC at imumungkahi ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC na idaos sa Oktubre 16, 2022 sa Beijing ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Ayon sa pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, maayos ang mga gawaing paghahanda para sa naturang dalawang pulong.


Salin: Ernest

Pulido: Lito