Tatlong offshore pipeline ng Nord Stream, nasira sa isang araw

2022-09-28 15:51:24  CMG
Share with:


Ipinahayag Martes, Setyembre 27, 2022 ng Nord Stream AG, tagapagpatakbo ng Nord Stream Gas Pipeline System, na lubhang nasira sa loob ng isang araw ang tatlong offshore pipeline nito.

 

Nang araw ring iyon, inihayag ni Dmitry Peskov, Tagapagsalita ng Kremlin, ang sobrang pagkabahala ng Rusya sa naiulat na pagtagas ng gas sa mga pipeline ng Nord Stream System.

 

Sa kabilang banda, sinabi naman ng Ministri ng Kabuhayan ng Alemanya, na iniimbestigahan na nito ang sanhi ng pagbaba ng presyur sa Nord Stream 1, at sa kasalukuyan, wala pang konkretong detalye sa tunay na dahilan.

 

Sinabi ng Nord Stream AG na imposibleng matasa ang haba ng panahong kakailanganin para sa restorasyon ng mga pipeline.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio