Sa kanyang talumpati nitong Setyembre 28, 2022, sa ika-51 regular na sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), nanawagan ang kinatawang Tsino na dapat isa-alang-alang ng Amerika, Kanada, Australya ang usapin ng diskriminasyon at ang paggalang sa karapatan ng mga indigenous people o mga katutubo sa naturang mga bansa.
Ipinahayag ng kinatawang Tsino ang pagkabahala ng panig Tsino sa patuloy na dinaranas na pagbale-wala sa karapatan ng naturang grupo ng mga mamamayan sa nabanggit na mga bansa.
Nanawagan din ng kinatawang Tsino na dapat aktuwal na ipatupad ng naturang mga bansa ang “UN Declaration on the Rights of Indigenous Peoples.”
Salin:Sarah
Pulido:Mac