Halos 70 bansa, tutol sa pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katuwiran ng karapatang pantao

2022-09-27 15:52:26  CMG
Share with:

Sa Ika-51 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na ginaganap sa Geneva, Switzerland, tinukoy nitong Lunes, Setyembre 26, 2022 ng Pakistan na ang paggalang sa soberanya, pagsasarili at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa, at di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng soberanong bansa ay pundamental na simulain ng relasyong pandaigdig.

 

Winika ito ng Pakistan sa pamamagitan ng pinag-isang talumpati, sa ngalan ng halos 70 bansa.

 

Diin nila, ang mga suliranin ng Xinjiang, Hong Kong at Tibet ay mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Tinututulan anila ang pagsasapulitika at paggamit ng double standard sa isyu ng karapatang pantao, at pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa katuwiran ng karapatang pantao.

 

Dapat sundin ng iba’t ibang panig ang simulain ng Karta ng UN, igalang ang karapatan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa sa sarilinang pagpili ng landas ng pag-unlad alinsunod sa kalagayan ng sariling bansa, pantay na pahalagahan ang iba’t ibang uri ng karapatang pantao, lalong lalo na, bigyan ng sapat na pagpapahalaga ang karapatan sa kabuhayan, lipunan, kultura at kaunlaran, dagdag nila.

 

Samantala, sinusuportahan ng mahigit 20 bansa ang Tsina, sa pamamagitan ng mga paraang gaya ng nagsasariling talumpati.

 

Inihayag naman ng halos 100 bansa ang pagkaunawa at pagkatig sa lehitimong paninindigan ng Tsina, sa pamamagitan ng magkakaibang paraan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac