Nagkaroon nitong ikatlong kuwarter ng mas malakas na kumpiyansa at mas mataas na pag-asa ang mga foreign trade companies ng Tsina hinggil sa prospek ng kalakalan para sa buong taon, ayon sa survey ng China Council for the Promotion of International Trade.
30.31% ng mga respondents ng survey ang nagsabi na umaasa silang makukuha ang year-on-year growth sa taunang trade volumes, na mas mataas ng 4.09% mula sa ikalawang kuwarter ng taon batay pa sa survey na isinapubliko nitong Huwebes.
Napag-alaman din ng survey na ang malaki at katamtamang laking mga kumpanya ay mas optimistiko sa mga prospek ng kalakalan sa taong ito, samantalang ang mga maliit at micro-sized firms naman ay nagpakita ng mas magandang ekspektasyon para sa ikalawang kuwarter.
Ayon pa sa survey, may magandang pagbabago sa export volumes at kita sa third quarter, lalo na sa high value-added industries.
Noong ikatlong kuwarter, ang unang tatlong pinanggagalingan ng mga bagong order ng naturang foreign trade firms ay mga bansang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), European Union at Amerika, saad pa ng resulta ng survey.
Salin:Sarah
Pulido:Mac