Sa news briefing na idinaos ngayong araw, Setyembre 19, 2022, isinalaysay nina Zhuang Shaoqin, Pangalawang Ministro ng Likas na Yaman at Li Chunliang, Pangalawang Puno ng National Forestry and Grassland Administration ng Tsina, ang pag-unlad sa usapin ng likas na yaman sa bagong panahon ng bansa.
Anila, nitong nakaraang 10 taon, malalim na nakisangkot ang Tsina sa kooperasyong pandaigdig para pasulungin ang pangangalaga sa likas na yaman at ekolohikal na kapaligiran ng buong mundo, at ibinigay ang ambag para sa pagtatatag ng ekolohikal na sibilisasyon at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng buhay ng buong mundo.
Aktibo ring ibinibigay ng Tsina ang “Lakas ng Tsina” para sa 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN) at UN Decade on Ecosystem Restoration (the UN Decade), dagdag nila.
Kasama rin anila ang Tsina sa iba pang kinauukulang kooperasyong pandaigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio