Xi Jinping, dumalo sa resepsyon para sa Pambansang Araw ng Tsina

2022-10-01 16:44:10  CMG
Share with:

 

Dumalo kahapon, Setyembre 30, 2022, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-73 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China.

 

Ang resepsyong ito, na idinaos sa bisperas ng Pambansang Araw ng Tsina, ay ini-organisa ng Konseho ng Estado.

 


Dumalo at nagtalumpati naman sa resepsyon si Premyer Li Keqiang.


Tinukoy ni Li, na nitong 73 taong nakalipas, sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina, pinagtagumpayan ng mga mamamayang Tsino ang iba’t ibang kahirapan at natamo ang mga kapansin-pansing bunga sa pagpapaunlad ng bansa.

 

Sinabi niyang, pananatilihin ng Tsina ang matatag na pag-unlad ng kabuhayan, pasusulungin ang reporma at pagbubukas sa labas, patitibayin ang bunga sa pagpawi ng karalitaan, at daragdagan ang pakinabang sa mga mamamayan.

 

Dagdag ni Li, buong tatag na isasagawa ng Tsina ang mga prinsipyo ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” “namamahala sa Hong Kong ang mga taga-Hong Kong,” “namamahala sa Macao ang mga taga-Macao,” at awtonomiya sa mataas na antas para sa dalawang espesyal na rehiyong administratibong ito. Igigiit aniya ng Tsina ang prinsipyong isang Tsina at 1992 Consensus, tututulan ang “pagsasarili ng Taiwan” at panghihimasok mula sa labas ng bansa, at pasusulungin ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.

 

Binigyang-diin din ni Li, na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at magsisikap para sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan.


Editor: Liu Kai