Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa mga kinatawan ng proyekto ng C919 passenger jet

2022-09-30 18:36:23  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing—Nakipagtagpo Biyernes, Setyembre 30, 2022 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga kintawan ng proyekto ng C919, malaking eroplanong pampasahero na gawang Tsino.

 

Bumisita rin siya sa eksibisyon ng mga natamong bunga ng proyektong ito.

 

Binigyan ni Xi ng lubos na pagpapahalaga ang nakuhang tagumpay ng misyon ng paggawa ng C919 passenger jet sa unang yugto.

 

Diin niya, ang pagpapalipad ng malalaking eroplanong gawa ng Tsina ay mithiin ng bansa, pangarap ng nasyon, at hangarin ng mga mamamayan.

 

Dapat aniyang matamo ang mas malaking breakthrough sa mga masusi’t nukleong teknolohiya, at matibay na pasulungin ang pagtatatag ng malakas na bansa sa pagyari.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac