UN buong lakas na tutulungan ang mga mamamayan ng Pakistan matapos ang matinding baha

2022-10-08 16:15:29  CMG
Share with:

Pinagtibay kahapon, Oktubre 7, 2022, ng United Nations (UN) General Assembly ang resolusyon na nagpahayag ng buong suporta sa mga mamamayan ng Pakistan matapos ang matinding baha.

 


Hinimok din ng resolusyon ang komunidad ng daigdig na dagdagan ang suporta at tulong sa pamahalaan ng Pakistan para matugunan ang pinsalang dulot ng kalamidad at tulungan ang rekonstruksyon ng mga naapektuhang lugar.

 

Binigyang-diin din sa resolusyon na pagkatapos ng kasalukuyang pangkagipitang tulong, kailangang patuloy na bigyang-pansin ng komunidad ng daigdig ang kalagayan ng Pakistan para suportahan ang pagsisikap nito sa pagbabawas ng epekto ng kalamidad, plano sa pagtugon sa pagbabago ng klima at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac