Kaugnay ng bagong hakbangin ng Amerika upang kontrolin ang pagluluwas ng chips sa Tsina, ipinahayag Oktubre 8, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kahit isapulitika ng Amerika ang mga isyung gaya ng teknolohiya, kabuhayan at kalakalan bilang kasangkapan at sandata, hindi nito maaaring hadlangan ang pag-unlad ng Tsina.
Sa halip, ito aniya ay magdudulot ng masamang bunga sa Amerika sa halip na Tsina.
Tinukoy ni Mao na upang mapangalagaan ang hegemonya sa teknolohiya, ina-abuso ng Amerika ang hakbangin ng pagkontrol sa pagluluwas, at hinaharangan at idinidiin ang mga kompanyang Tsino.
Ang aksyon aniya ng Amerika ay labag sa prinsipyo ng pantay na kompetisyon, at regulasyon ng pandaigdigang kabuhayan at kalakalan.
Saad pa ni Mao, ang naturang aksyon ay hindi lamang nakakapinsala sa makatarungang karapatan ng mga kompanyang Tsino, kundi magdudulot din ng negatibong epekto sa karapatan ng mga kompanyang Amerikano.
Hahadlangan nito ang pandaigdigang pagpapalitang panteknolohiya, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, katatagan ng industrial at supply chain ng buong mundo, at pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, diin niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio