CMG Komentaryo: CHIPS and Science Act, hindi kalutasan sa sariling problema ng Amerika

2022-08-12 16:50:20  CMG
Share with:

Kaugnay ng CHIPS and Science Act na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Joe Biden ng Amerika, di-optimistiko ang pananaw ng opinyong publiko ng Amerika sa prospek nito.

 

Sinabi ng New York Times na tila ambisyoso ang nasabing batas, mahirap itong ipatupad sa darating na mahabang panahon.

 

Ayon naman sa ilang tagapag-analisa, ito ang pinakamalaking pagsisikap sa kasaysayan ng Amerika para muling suportahan ang isang offshore industry.

 

Layon ng naturang batas na ilagay ang balakid sa pag-unlad ng industriya ng semiconductor ng ibang mga bansang kinabibilangan ng Tsina, at palakasin ang bentahe ng Amerika sa industriya ng pagyari ng chips.

 


May karapatan ang Amerika sa pagpapaunlad ng sariling industriya, pero hindi dapat nito gawing kapalit ang pagpigil sa pag-unlad ng iba.

 

Ang naging resulta ng ganitong patakaran sa pangangalaga sa industriya ng chips sa ilalim ng pamumuno ng kaisipan ng Cold War ay tiyak na salungat sa ekspektasyon.

 

Ayon sa pagtaya ng mga organong gaya ng Boston Consulting Group, kung isasagawa ng Washington ang patakaran ng “technological hard decoupling” sa Tsina, posibleng lumikha ito ng problema para sa Tsina sa maikling panahon, pero magiging mas malaki ang kapinsalaan ng mga kompanya ng semiconductor ng Amerika. Tinayang mawawalan ang mga kompanyang ito ng 18% quota sa merkadong pandaigdig at 37% kita, samantalang mababawasan ng 15,000 hanggang 40,000 posisyon ng hanap-buhay sa hay-tek.

 

Mapapatunayan ng panahon na ang mga harang na inilalagay ng Amerika sa mga kakompetisyon ay tiyak na makakapinsala sa sariling interes.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac