Noong 1983, naghahanda ang China Central Television ng paggawa ng isang teleserye na pinamagatang “Dream of the Red Mansions,” at kailangang piliin ang isang lugar na mayroong angkop na tanawin ng "red mansions" ng kuwentong ito.
Nalaman ang balitang ito ni Xi Jinping. Noong panahong iyon, siya ay opisyal ng nayong Zhengding.
Alam ni Xi na ang “Dream of the Red Mansions” ay masterpiece sa kasaysayan ng panitikan ng Tsina, at kilala ito ng bawat mamamayang Tsino. Kaya, iminungkahi niya sa lokal na pamahalaan na itayo ang isang parke sa nayong Zhengding, para sa shooting ng teleplay group.
Batay sa ideya ni Xi, nagkaroon ng lugar na panturismo sa paligid ng parkeng ito. Pagkatapos ng shooting ng teleserye, ito ay naging tourist spot, may shopping area, restawran at iba pa para sa mga turista, na maaaring magdulot ng mas maraming kita para sa nayong Zhengding.
Pero, iba iba ang kuru-kuro ng mga lokal na opisyal sa planong ito ni Xi.
Ang pangunahing problema ay pera. 3 milyong yuan RMB ang kailangan para sa konstruksyon ng parke at mga lugar panturismo, hindi kaya ng lokal na pamahalaan ang lahat ng pondo.
Datapuwa't tinututulan ng ilang lokal na opisyal ang planong ito, iginigiit ni Xi ang kanyang sariling ideya. Ipinalalagay niyang sa pangmalayuang pananaw, tiyak na idudulot ng planong ito ang yaman sa nayong Zhengding.
Para isakatuparan ang planong ito, bumisita si Xi sa mga negosyante sa nayong Zhengding. Pagkaraan ng maraming round na negosasyon, sa bandang huli, sinang-ayunan ng ilang mangangalakal na mamuhunan sa proyektong ito. Tapos, agarang sinimulan ang pagtatayo ng parkeng ito.
Noong Agosto 1986, maalwang natapos ang paggawa ng parke at lugar panturismo, at ipinagkaloob ito sa production group ng CCTV bilang shooting location.
Tulad ng inaasahan ni Xi Jinping, sa oras ng pagsasahimpapawid ng teleserning “Dream of the Red Mansions” mainit ang reaksyon ng mga tagapanood ng buong Tsina, at ang parke sa Zhengding, bilang real location sa teleserye, ay mabilis na naging popular rin sa buong bansa.
Noong unang taon ng pagbubukas ng parke sa publiko, nagkaroon ito ng 1.3 milyong bisita, umabot sa 2.21 milyong yuan RMB ang kita ng ticket, at umabot sa 17.68 milyong yuan RMB ang buong kita ng industriyang panturismo. Ang tagumpay na ito ay tinatawag na “modelo ng Zhengding.”
Hanggang sa kasalukuyan, tinatangkilik at popular pa din ang parke ng Red Mansion sa Zhengding para sa mga mamamayang Tsino.
Popular pa din ang parke ng Red Mansion sa Zhengding para sa mga mamamayang Tsino sa kasalukuyan
Noong panahon ng pamumuno ni Xi Jinping sa nayong Zhengding, mula taong 1982 hanggang taong 1985, naging doble ang gross output value ng industriya at agrikultura ng nayong Zhengding. Noong nakaraan, maralita ang Zhengding at ngayon, ito'y isa ng maunlad na nayon.
Salin:Sarah
Pulido:Mac