Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbibigay-gantimpala ng 2022 UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) Prize for Girls' and Women's Education na idinaos nitong Oktubre 11, 2022, sa Paris, Pransya, sinabi ni Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina at Espesyal na Sugo ng UNESCO para sa Pagpapasulong ng Edukasyon ng mga Batang Babae at Kababaihan, na ang edukasyon ng mga batang babae at kababaihan ay hindi lamang may kaugnayan sa pag-unlad ng mga kababaihan, kundi ito rin ay mahalagang bahagi ng pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng lipunan ng buong sangkatauhan.
Sinabi ni Peng na palagian at lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang usapin ng edukasyon ng mga batang babae at kababaihan, at walang humpay na pinapataas ang kakayahan ng mga kababaihan sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Bilang espesyal na sugo ng UNESCO, binigyang-diin ni Peng ang kahandaan niyang magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para pasulungin ang mas pantay, eksklusibo, at dekalidad na pag-unlad ng edukasyon ng mga batang babae at kababaihan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio