Bagong environmental satellite S-SAR01, matagumpay na inilunsad ng Tsina

2022-10-13 16:11:47  CMG
Share with:

Taiyuan Satellite Launch Center, Lalawigang Shanxi ng Tsina—Sakay ng Long March-2C rocket, matagumpay na inilunsad Huwebes, Oktubre 13, 2022 ng Tsina ang isang bagong S-SAR01 satellite.

 


Sa pamamagitan ng 5 metrong resolution S-brand radar image data, ipagkakaloob ng naturang satellite ang suporta sa pagpigil, pagbabawas at pagliligtas sa kapahamakan, at pangangalaga sa kapaligiran.

 

Maglilingkod din ito sa usapin ng likas na yaman, patubig, agrikultura, kagubatan, lindol at iba pa.

 

Ito ang ika-443 matagumpay na misyon ng Long March rocket series.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio