Isyu ng kapaligiran, kaunlaran at karapatang pantao, tinalakay sa sidelines ng Ika-51 Sesyon ng UNHRC

2022-09-26 16:33:24  CMG
Share with:

Itinaguyod kamakailan ng China Society for Human Rights Studies sa sidelines ng Ika-51 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ang pulong hinggil sa kapaligiran, kaunlaran, at karapatang pantao sa taong 2022.

 

Malalimang tinalakay ng mahigit sampung dalubhasa’t iskolar na Tsino’t dayuhan ang hinggil sa teorya ng karapatang pantao sa kapaligiran, pagbabago ng klima, karapatang pantao, at iba pang paksa.

 

Inihayag ng mga iskolar na Tsino na nitong nakalipas na halos 10 taon, puspusang pinasulong ng Tsina ang konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal, pinag-ibayo ang pagpapahalaga sa kapaligiran, kalusugan, at procedural environmental rights.

 

Dahil dito, nagkaroon anila ng mas magandang garantiya ang karapatang pantao sa kapaligiran ng mga mamamayan.

 

Ipinalalagay ng mga dalubhasa mula sa India, Norway at iba pa, na ang pagtasa sa kapakanan ng mga maunlad na bansa at umuunlad na bansa ay mahalagang paksa sa pagharap sa pagbabago ng klima.

 

Anila, sa proseso ng pagharap sa pagbabago ng klima, dapat pahalagahan ang pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga minoryang grupo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio